Saturday, July 12, 2014

uMovies | Heaven Is for Real

**(Caution: This blog post may contain spoilers.)
**(Disclaimer: This is not a movie review for Heaven Is for Real. - author)


"Jesus has light eyes.. Bluish or green. Bluish-greenish."
- Colton Burpo

This movie made me think that I shouldn't be afraid of dying kasi everything and everyone will be there in heaven because it is real. Nakuh, nung pinakita yung painting ng face ni Jesus sa huling part ng movie, ay sobra kinilabutan ako! Kasi kung iisipin mo, coming from a 4-year old child, hindi naman sha magsisinungaling kung sino at ano yung mga nakita nya. Hindi ko na ipo-post dito yung picture kasi mawawala yung effect pag pinanood nyo yung movie (wag nyo i-google pls!).

(photo credit: avalonlibrary.org)

Sunday, July 6, 2014

Teki Teki | Remedy for Hacked Twitter Accounts

Desktop prompt for login verification.

Okay..!! Nagulat na lang ako today nang makita ko yung Home Tweet Page ko eh puro di ko na kilala! Gosh, my twitter just got hacked! What to do??!

Mejo nag-panic ako pero madali lang pala ayusin tong pesteng hacker problem on twitter. You just have to change your password sa website (not sa mobile app huh!) and revoke access to all apps. Ayun, tapos ang problema ko! For the complete instructions on how to do it, you may go to Twitter Help Center.


Mobile prompt for login verification.

And also, I opted to secure my account even higher using the Login Verification via SMS. Just save your mobile number on the Security and privacy tab thru settings, choose to receive a text whenever you want to login to your twitter account. Tignan ko lang kung ma-hack pa nila ulet twitter ko! hehehe :p


**Follow my accounts on Twitter - @danielvillena @anyeretv @xanyye

Friday, July 4, 2014

Kwento ni Me | How to Get NBI Clearance at QC Hall

I am posting this article (kasi wala ako ma-google na updated information about this..) para naman makatulong ako sa mga nagbabalak kumuha ng NBI Clearance jan sa may Quezon City Hall. Heres a list of what you need to do para naman "hassle-free" ang pagpunta nyo dun:

1. Pumunta ng 'Maaga'. - Ni-emphasize ko yung word na 'Maaga' kasi naman dapat between 3am to 7am andun na kayo dahil 600 forms sa walk-in applicants (at 200 forms sa online applicants) lang ang binibigay nila in a day. Yes, 800 persons lang ang naa-accomodate nila dito.

Since walk-in lang ako nun (pang-249 ako nun, 5am ako dumating dun last June 27 2014) , napansin ko na parang meron silang 'Timetable' na first 200 muna ang papapasukin sa covered area na may mga upuan (YES, may mga upuan na sila!) once the office opens at 8am. 10am papapasukin yung 201-400 (dito ako napasama..) and then around 12-1pm yung last 200. Kaya ang payo ko lang sa mga Walk-in applicants na gustong matapos bago magtanghalian, pumunta kayo before 5am para mapasama kayo sa first 200.

WAG NA KAYO PUMUNTA DUN PAG PAST 8AM NA. Please lang, wag na kayo magaksaya ng panahong pumunta pa dun pagkatapos ng 8am. Sayang lang pamasahe nyo.

2. Pa-photocopy na kayo ng valid ID. - Kailangan nila ng xerox ng valid ID. Sa mga nakapila na dun na walang kasama at wala pang xerox ng ID, 5 pesos lang sa nagsisisigaw ng 'xerox' dun.
3. Magbaon ng payong or shades. - Papipilahin kayo sa labas ng covered area pagdating ng 6am. So, matagal kayo pipila kaya dapat handa kayo sa ulan or sa sikat ng araw.

9am ako nakakuha ng form nun kaya halos tatlong oras din ako nakatayo nun. Pagkabigay ng form, kung hindi ka kasama sa first 200, pwede muna lumayas sa pila at tatawagin na lang kayo uli para papilahin (papakinggan nyo lang si manong na naka-megaphone). May tatak na number naman yung form so walang nang singitan na magaganap sa pila. Kaya makakakain ka pa, makakapag-yosi, CR, o anu pa man na gusto mong gawin.

4. Magdala ng Black Ballpen. - Para di na kayo bibili sa mga naglalako. 

5. Magdala ng 120 pesos. - 115 pesos ang local employment at for abroad, 5 pesos para sa brown envelope. Ewan ko lang kung pwede tumanggi dun sa brown envelope ha. Pero ok na din para secured yung form na ipinila mo ng ilang oras.
6. Lastly, Maging friendly. - Wag ka na magdala ng iPod, iPad, libro o magasinMas okay na makipagkwentuhan ka na lang dun sa katabi mo sa pila para di rin mapanis ang laway mo.

Sa tuwing kumukuha ako ng NBI Clearance may nagiging kakilala ako sa pila. Kaya kahit mahirap kumuha ng NBI Clearance, nae-enjoy ko naman yung time na i-pinila ko sa kanilaKupara nung 2011 na pumila ako from 6am-6pm, ngayong 2014 from 5am-2pm lang ako! :) Siguro kasi maaga ako ng isang oras this year at malaking tulong ang 'no noon break'.

**Sa mga may HIT:
 Pag may hit ka, pababalikin ka after 1 week. Don't worry, binalikan ko yung sa kin today at hindi mo naman pala kailangan pumila pa.

**(btw, iba na ang location ng NBI Satellite Office sa QC Hall, nasa kabilang side na sha near Kalayaan. So from the old location mejo malayo ang lalakarin nyo. Magtanong na lang sa mga gwarja sa paligid pag naligaw kayo hahaha!)

xoxo - anye