Monday, September 28, 2015

LSS | Dati (Thyro and Yumi Cover)

I just love them both. At sobra ang 'goosies' ko pag sabay na sila kumakanta. I prefer this version over sa version ng Philpop..

"Ang aking pagtingin.. Oh ibulong na lang sa hangin.."


(Source: Thyro Alfaro)

Saturday, September 26, 2015

Teki Teki | Instagram Changes

Well, after a month of it's launch, ngayon ko lang nalaman na mayron na palang landscape and portrait posting sa Instagram. Hindi naman kasi kame na-inform na you need to uninstall and re-install the app to get that new rounded 'format' icon sa lower left!
So again, don't just update --  UNINSTALL AND RE-INSTALL THE APP!

Thursday, September 10, 2015

Kwento ni Me | How To Renew Driver's License at LTO Sta. Maria Branch

Last year I posted an article about how you can get an NBI Clearance thru Quezon City Hall. Ngayong dito na ako nakatira sa Sta. Maria Bulacan, I'm going to post my experience getting my license renewed dito sa LTO Sta. Maria Branch. Heres the list of things you need to do para AGAIN maging "hassle-free" ang pagpunta nyo dito sa lugar na nabanggit ko:

PARA SA MGA PUPUNTA NG LTO STA. MARIA BRANCH (FOR RENEWAL):
MGA DAPAT DALHIN:
  • Drivers License
  • Black Ballpen
  • At least 600 pesos (with 20 pesos)
  • Pamaypay

  • 1. Pumunta pa rin ng maaga para matapos ng maaga sa First Step, which is Medical Check-up. - Mejo may kabagalan ang kanilang medical process kapag madami nang nakapila. Kaya advantage mo kung una ka sa pila dahil 5 minutes lang tapos ka na. Dumating ako dun sa LTO ng quarter to 9. Pupunta ka muna sa Window 1 para ipakita yung luma mong lisensha tapos bibigyan ka ng form to fill out.

    Tapos pupunta ka na dun sa clinic sa gilid at ibibigay mo ang lisensha mo ulit sa doctor para isama ka sa pila. Titimbangin ka at kukunin height. Ipapabasa yung letters sa may dulo ng room tas kukuhanan ng BP. Yon, tapos na! Tas yung kasama ng doctor yung mag-fill up ng medical form mo ay sisingilin ka ng 100 pesos papipirmahin sa logbook at pababalikin ka na sa Window 1.


    (**IMPORTANT: Mother's Name should be maiden's name, andaming nagkakamali dito kasi mali ang form nila -- at magbabayad ka ng 100 pesos pag papalitan ang form mo!) 

    2. Gumamit ng pamaypay. - Dito nyo kakailanganin ang pamaypay. Pagbalik nyo ng Window 1, kukunin na nila yung application form, lisensha at medical record na binigay ng clinic at papaupuin ka nila at paghihintayin para tawagin ang pangalan for picture taking at electronic signature. Since almost 9am ako dumating ng LTO, mejo matagal ako naghintay sa step na ito. So gamitin ang oras na ito para mag-relax at wag mashado gumalaw para hindi pagpawisan.. dahil alam ko na ayaw mong mag mukhang basang sisiw sa lisensha mo. Mejo mainit sa lugar na ito lalo na pagpatak ng 10am. Im not sure kung malamig dito pag umuulan pero I bet mainit pa rin dahil hindi air-conditioned ang waiting area.


    3. Mabilis na sha pag natawag na pangalan mo. - Pagkatawag ng name mo, punta ka na sa Window 3 (or 4) para sa picture at E-Signature. Sobrang bilis lang nito, wala pang 3 minutes. Tapos siguro after mga 3-5 minutes tatawagin na ang pangalan mo for payment sa Window 7. Nakakagulat kasi hindi pa ako nakakahanap ng upuan after ng photo shoot eh tinawag na agad ako. Ihanda mo na ang 20 pesos mo dahil dito magbabayad ka na ng Php417.63. Maririnig mo ang kahera sa speaker ng microphone na nanghihingi ng bente pesos so mabuti na yung prepared ka.


    4. Wag nang magtanong bat papel lang ang binibigay. - Tatawagin ka ulit sa Window 8 after payment (ako tinawag mga after 15 minutes) for releasing. Pipirma sa logbook nila tapos okay na. Wala daw silang materyales para gawin yung license cards, stickers at plates kaya wag nang mangulet at magtanong pa dun sa mga nasa opisina. Buti may number (0917-764-8850) para ma-follow-up kung ready na yung license card, pero hindi ako sigurado kung may sasagot jan kasi hindi ko pa natawagan yung number. Paunawa dawn -- yun na lang ang kulitin, wag daw sila. Almost 2 hours ang entire process, not bad. Pero dahil wala yung card, hassle pa din dahil babalikan ko pa yun dito.

    'No Noon Break' din sila pero payo ko lang, wag sana kayo abutan ng tanghaling tapat dito dahil napaka-init (or dahil El Nino lang talaga ngayon..). Sana makatulong itong post ko sa mga naghahanap ng info tungkol sa LTO Drivers License Renewal Process. Till next time.